is the world becoming too sensitive?

Feel ko I'll get a lot of downvotes for this pero please school me na lang pag mali ang perception and opinion ko sa mga bagay-bagay. SO TRIGGER WARNING AND CORRECT ME NA LANG PAG MAY MALI.

For me naman ang annoying is pag yung western culture, pinipilit nila na alam mo lahat ng bagay/words/insignia/hairstyle/fashion/phobia na nakakaoffend sa kanila. And kahit first time mo malaman, canceled ka agad.

Syempre iba naman pag mga racist talaga or paulit -ulit na naoffenders for example mga 10x na nya sinabi yung N word. Or yung mga talaga ginagawang costume lang yung isang traditional wear. Or yung nagssterotype na pag babae mahina, pag malambot and emotional ka na lalaki = gay. Or alam na nga ng isang person yung pronouns mo pero pinipilit pa rin ng person na yun na She/Her siya kahit never niya naman na-identify na babae siya. Basta yung mga talagang meant nila is harm and disrespect, mga racist/homophone/misogynist etc talaga yan and walang pake sa emotions ng mga tao. Disrespectful talaga yan. Pero yung mga first or few time offenders. Yung halata naman na slip-up lang or malay ba nila (lalo na si mga hindi common na offensive na bagay), parang di naman din tama na "i-cancel" sila and ma-label sila as mga racist or mga homophobe etc. Di lahat ng tao alam lahat ng struggles/discrimination/bullying na nararanasan ng lahat ng tao and schooling them is enough.

Kunwari si K-Pop idol nagsuot ng durag, yung comment section grabe yung bashing from western people tapos Asians are like "what bad thing pala yung hair piece na yun". Tbh malay ba natin. Impossibleng i-research natin lahat ng bagay na suot natin or bawat galaw natin. Totoo na nirerespect naman natin lahat ng culture pero hindi natin alam lahat ng bagay and hindi naman natin nawiwitness first hand yung discrimination na nararanasan nila, madaming prone to slip-ups or nakakalimutan natin na offensive nga pala yun. Pero ayun, thank you western people for schooling us kasi now, alam na ng mga tao na offensive pala pag ibang race ka and nagsuot ka ng durag. Now we know. Pero di tama na tinawag nyo yung person na yun na racist or may mga nagcocomment "She should have known durag should only be worn by black people. There's no way she does not know." Di naman iisa lang na culture na meron sa mundo tbh pero moving forward syempre now we know offensive pala yun.

Personally, nalaman ko nga lang yung swastika is offensive pala sa internet (hindi tinuro sa school namin so don't judge. Yung world history na class namin noong 3rd year HS, inulit lang yung Asian history) pero yung parents ko never nila nalaman. Buti na lang di sila celebrity or what kasi may bracelet sila na may small na swastika. Di nila pinansin yung insignia noong binili nila. Binili lang nila kasi may healing eme eme daw yun sabi ng seller sa fb lol. Feel ko nareport na yung seller na yun kasi hindi ko na siya mahanap sa FB. Told them never to wear that kasi offensive yun and literally hate crime yun sa ibang countries and sobrang bad ang history ng insignia na yun.

Pero ayun, syempre pag magtratravel ka dapat iresearch mo muna do's and don'ts pero pag kunwari nasa damit mo nakaprint yung swastika or sa jeepney mo naka-paint (may nakita akong jeep noon na may swastika katabi ng lion) tapos nasa Pilipinas ka lang naman. Hindi naman lahat ng tao alam yung bad rep ng insignia na yun. Let them know na lang na offensive yun and sabihin na lang yung bad history nun. Pero hindi naman ibig sabihin nun na racist sila or neo-N@zi sila.

Also, parang lahat na lang ng bagay need ng trigger warning. Gets ko sa mga phobia or yung mga may blood or loud noises or strobing lights. Or kwento ng trauma or abuse. Gets ko na need ng trigger warning yan kasi nakaka-cause talaga yan ng harm. Pero meron din na nagpapa-trigger warning sa mga mundane things. May nakita akong post sa Tiktok tapos girl sya tapos sine-celebrate niya yung love sa kanya ng father niya. While madaming positive na comments, meron din mga negative comments like "You should have put a trigger warning on it, not all fathers are nice and this post could trigger someone who has trauma with their father". Parang okay, oo nga ang sad ng nangyari sa inyo and hindi nyo deserve ang treatment sa inyo ng mga tatay niyo, pero hindi naman niya meant ang harm sa post niya. Gusto niya lang i-celebrate ang dad niya. Scroll na lang if you found that offensive kasi for me wala naman siyang meant na harm or dinidisrespect sa post niya.

Again, school me na lang pag mali ang perception ko sa mga bagay-bagay.

/r/OffMyChestPH Thread